ISANG lalaki sa Hokkaido, Japan ang kinilala bilang pinakamatandang lalaki sa mundo matapos siyang maghintay ng halos 113 taon.
Opisyal na kinilala ng Guinness World Records ang may 112 taon at 259 araw na si Masazo Sonaka bilang pinakamatandang lalaki sa buong daigdig matapos pumanaw na noong isang taon ang dating may hawak ng titulo na si Francisco Nuñez Olivera sa edad na 113.
Kahit napakatanda na ay nagawa pa rin ni Sonaka na ipahiwatig ang kanyang tuwa nang tanggapin niya ang titulo. Ipinakita niya rin ang hilig niya sa matamis nang magsabi siya ng “Yum” matapos niyang tikman ang cake na inihain sa kanya.
Wala namang katapat na pinakamatandang babae si Sonaka ayon sa Guinness matapos yumao ang taga-Jamaica na si Violet Brown sa edad na 117 noong isang taon.