NAGHINTAY si Dong sa visitor’s area sa lobby ng ospital. Gabi na pero wala pang ipinaaalam ang doctor na nag-opera kay Boy. Ilang beses na siyang nagtungo sa nurse’s area pero hindi pa raw lumalabas ang attending physician ni Boy. Patuloy daw na inoobserbahan ang kalagayan ni Boy.
“Umuwi ka muna Sir at magpahinga. Bumalik ka na lang po after five hours at baka may ibabalita na si Dok.’’
“Dito na lang ako sa waiting area. Hindi rin naman ako makakatulog sa bahay. Hihintayin ko na lang ang balita ukol sa pasyente.’’
“Sige po Sir.’’
Nagbalik sa waiting area si Dong. Habang nakaupo, taimtim siyang nagdasal. Hiniling niyang iligtas si Boy. Kaawaan sana ng Diyos ang matapat niyang katiwala. Mahirap nang makakita ng katulad ni Boy na tapat sa trabaho.
Hindi namalayan ni Dong ang oras. Hanggang sa makatulog siya.
Nang magising siya, alas kuwatro na ng madaling araw. Siya na lamang ang nasa waiting area.
Hanggang sa makita niya ang pagdating ng doctor na nag-opera kay Boy.
Lumapit sa kanya ang doctor.
“Ligtas na ang kaibigan mo. Puwede na siyang ilipat sa private room.’’
Umusal ng dalangin ng pasasalamat si Dong.
Salamat po Diyos ko! Salamat at dininig mo ang dasal ko!
(Itutuloy)
Ilang beses na siyang nagtungo sa nurse’s area pero hindi pa raw lumalabas ang attending physician ni Boy. Patuloy daw na inoobserbahan ang kalagayan ni Boy.