^

Punto Mo

Nakadidismayang imbensiyon

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MARAMI nang ebolusyon sa mga nalilikhang robot sa ilang mauunlad na bansa tulad sa Japan, Korea, Europe at Amerika sa nagdaang mga dekada.  Nakakatulong na ang mga makinang ito sa mga larangang tulad ng sa industriya, medisina, edukasyon, pananaliksik sa kalawakan,  komersiyo, komunikasyon, transportasyon at maging sa mga pangangangailangan sa mga pribadong tahanan tulad sa paglilinis ng bahay, paglalaba at pagluluto.  Meron pa ngang mga robot na nagsisilbing caregiver ng mga senior citizen at meron ding nagsisilbing mga crew sa mga restawran. May mga robot na rin na ginagamit sa mga giyera o panlaban sa mga krimen.

Sa mga robot na ito, tila kontrobersiyal iyong klase ng robot na puwedeng gawing kasintahan  o asawa. Iyong puwedeng makaaliw sa taong nag-iisa at walang makasama o sabihin nang walang makasundo na makakasama niya sa buhay. Iyong puwede niyang makatalik sa gabi nang walang ibibigay na problema sa kanya. Ito marahil ang isang nakakadismayang imbensiyon na, sa totoo lang, hindi naman talaga kailangan at nagtuturo lang ng kababawan sa buhay. 

Pero, dahil isa rin namang negosyo ang robot, may mga nakaisip umimbento ng makinang mukhang tao, gumagalaw na parang tao, at nagsasalitang tulad ng sa tao pero sunud-sunuran sa gustong gawin sa kanya at sa gustong gawin niya ng taong nagmamay-ari sa kanya.  Tinutugunan ng mga ganitong robot ang pangangailangan ng mga tao na malungkot na nagsosolo sa buhay, masyadong mahilig sa ‘tawag ng laman’, walang makasundong kapwa tao, walang mahanap na kasintahan o asawa na umaangkop sa kanyang panlasa at pansarili o mas tamang sabihing makasariling kagustuhan at hangarin. 

IMBENSYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with