Makabawi kaya?

“Hagupit” ang ngalan ng bagyong malakas

naging “Ruby” ito na ngalan ng dilag

“Yolanda” ang dito ay unang lumapag

na noo’y nagdaang pinakamalakas!

 

Ang dalawang bagyo’y nakapagtataka

ay kapwa tumama sa parteng Visaya

mga tao roon ay lubhang kawawa

at ang masagwa pa reliefs nawala pa!

 

Sana noon pa man ang ating gobyerno

naging masigasig ayusin ang gulo;

lumindol sa Bohol ang tao’y tuliro

tahana’y nawasak nalipol ang tao!

Show comments