Ngayon ay bawal nang mag-angkas ng bata
mga nagmomotor nating matatanda
sa lahat nang batas ito’y tamang tama
upang mga anak ligtas sa sakuna
Kailangang maging mapagmatyag
ang ating mga alagad ng batas
upang kabataan ngayon ay maligtas
sa kapahamakang hindi dapat
Sa sistemang ito itong kabataan
tiyak maliligtas sa kamatayan
mga batang musmos at walang malay
malayang-malaya sila ay mamatay
Kaya dapat sundin ang batas na ito
ang hindi susunod kasalanan ninyo
na mga bata na mapahamak dito
kapalaran niya nagwakas sa inyo