^

Punto Mo

‘Pili-Pinas’(Piliin ang Pinas)

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

HINDI dapat kalimutan ang mga kaugaliang Pilipino bagkus ay dapat pa itong pagyamanin at ipagmalaki sa buong mundo.

Marami sa mga kabataan ngayon ang hindi na masyadong alam ang mga nakaugalian ng mga matatanda dahil sa teknolohiya. May mga bagay pa rin tayong kailangang madiskubre sa ating kultura.

Ang Cultural Center of the Philippines (CCP) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay magkakaroon ng grand musical competition na magpapakita ng mga kultura ng bansa.

Tatawagin ito bilang “Pili-Pinas (Piliin ang Pilipinas): A PAGCOR Musical”. Ilan lamang sa itatampok sa palabas na ito ay ang pistang Pilipino, mga alamat, sayaw at ilang karakter sa mga kwento.

Ang paligsahang ito ay magaganap sa ika-2 ng Setyembre 2017 sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP sa Pasay City.

Marami ang matutuwa dito dahil ang ilan sa mga karakter ay ikinukwento o ipinapanakot lang sa atin noong mga bata pa tayo pero ngayon ay bibigyan sila ng buhay sa pamamagitan ng contest na ito.

Mas magiging espesyal din ang palabas na ito dahil nandyan ang kilala at talentadong mga empleyado ng PAGCOR mula sa Casino Filipino (CF) branches at satellite operations group sa Angeles, Bacolod, Cebu, Davao, Ilocos, Olongapo, Tagaytay, Metro Manila at corporate offices.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Andrea D. Domingo na ang musical na ito ay maipapakita at mabibigyan ng buhay ang iba’t-ibang kultura, tradisyon at kasiyahan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Labing isang grupo mula sa iba’t-ibang rehiyon sa buong bansa ang magtatanghal. Kada-yawan Festival ang gagawing tema ng CF Davao habang ang CF Cebu naman ay Sinulog Festival.

Ilan lang ito sa patikim na temang maaaring mapanood sa nasabing musical. Marami pa ang dapat abangan dahil labing isang grupo ito kaya magkakaroon ng labing isang tema din.

Sa panahon ngayon na halos lahat ng tao ay may gadgets at madali nilang nakikita ang ibang kultura at gawain ng ibang bansa nalilimutan na nila ang kagandahan ng sariling tradisyon.

Ilan pa sa entries sa musical competition ay ang Panaad, Panagbenga at Pintados para sa festivals category. Biag ni Lam-Ang, Ulo ng Apo at Maria Sinukuan para sa legend category, Aswang at Darna para sa Pinoy fantasy category at ilang sayaw sa Luzon para sa cultural category.

Magkakaroon din ng grand raffle draw para sa  mga bisita at ang grand prize ay ang 2017 Toyota Innova (2.8 V Diesel A/T), sa second prize naman ang Toyota Corolla Altis (1.6 A/T) habang ang 3rd prize ay ang 2017 Kawasaki Z650 motorcycle.         

Sa mananalo naman sa patimpalak ay makakatanggap ang grand winner ng Php100,000 at trophy, Php75,000 at trophy para sa 1st runner up habang ang 2nd runner-up ay trophy at Php50,000. Ang hindi papalaring manalo ay makakatanggap pa din ng Php25,000.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa PAGCOR MUSICAL maaari kayong tumawag sa Human Resource and Development Department sa 0927.616.4585.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with