Ang Inspirasyon Ko

Nang buhay si Inay siya ay masipag,

Sa kanyang gawain ay lubhang matapat

Sa umaga pa lang ang inaatupag

Hanap ng biyaya sa aming mag-anak

 

Nang buhay si Inay ang kanyang gawain

Magluwas ng isda, gulay at pagkain

Namamakyaw siya ng karne’t bibilhin

Na isinasakay sa trak o sa tren

 

Palibhasa’y bunso’t maliit pa noon

Ako’y kasama niya sa gawaing iyon

Madilim-dilim pa kami’y bumabangon

Upang di-maiwan sa nagisnang misyon.

Show comments