ISANG araw, napansin ni Muhammad Ali, (sikat na boksi-ngero) ang kanyang anak na si Hana na nakabihis ng damit na sobrang seksi—nakabuyangyang ang cleavage ng suso; isang maling hakbang lang ay masisilipan na ito ng panty dahil sa sobrang ikli ng kanyang palda.
Nakangiting nilapitan ng ama ang kanyang dalaga at malumanay na nagsalita:
Ang lahat ng mahahalagang bagay na nilikha ng Diyos ay nilalagyan niya ng takip o kaya ay itinatago sa lugar na malalim.
Saan mo matatagpuan ang diamond? Di ba sa pinakailalim ng lupa?
Ang perlas ay nasa pinakailalim ng dagat na pinoprotekta-han pa ng matigas na shell.
Ang ginto, ilan pang layers ng matigas na lupa ang kaila-ngang tibagin para ito mahukay.
Hinawakan ni Muhammad Ali ang kamay ng anak:
“Anak, your body is sacred. Ang iyong katawan ay mas mahalaga kaysa diamond, perlas at ginto kaya mas kailangan mo itong ingatan at takpan.”