Dahil sa patuloy na debate sa ngayon
Pipilantikin ko’y ang sex education
Ang National Council of Churches sa Pilipinas ay umayon ngayon
Pamimigay ng condom sa mga kabataan at institusyon.
Kailangan lang talaga ito’y masusing pag-usapan
Dahil ang nakasalalay dito’y mga kabataan
Tamang sex edukasyon sa kanila’y ipaalam
Nang di-mabiktima ng HIV at sakit na nakamamatay
At kaya sana mga sektor ng ating lipunan
Magkaisang itaguyod kabutihan ng sambayanan
Walang mahirap -- walang mayaman
Upang ang ating bansa, pag-asenso’y makamtan!