^

Punto Mo

‘Tigil na ang pagtakbo!’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

MAKAKAPUNTA ng ibang bansa pero iligal pala ang ahensyang umayos  ng kanilang dokumento.

Ilan naman sa kanila ay sinasaktan ng amo kaya’t naisip na lang na mag runaway. Papasok sa ibang employer kahit na walang legal na dokumento dahil iniisip nila ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

May iba naman sa kanila na lilipat sa mas magandang alok ng employer kahit hindi legal kaya bukas sila sa anumang pang-aabuso.

Kapag isa kang ‘runaway’ sa middle east hindi ka basta-basta pwedeng umuwi nang wala kang exit visa o yung magsasabi na wala kang problema o hindi ka hinahabol ng gobyerno nila.

Nangako si Presidente Rodrigo Duterte na sa pagbisita niya sa Gitnang Silangan ay titingnan niya rin ang kapakanan ng ating mga kababayang OFWs.

Sa kanyang pag-uwi halos 150 na runaway OFWs na binigyan ng amnesty ng Saudi Arabian government ang makakabalik ng Pilipinas at makakasama na ang kanilang pamilya.

Ilan sa mga ito ay nagtrabaho ng walang legal na dokumento o undocumented workers.

Unang batch pa lang ito ng ating mga kababayan na papauwiin ng bansa at hinihintay pang mabigyan ng exit visa ang iba at maayos ang kanilang mga dokumento para ma-repatriate.

Ang ilan ay naninirahan sa ilang shelter ng embahada natin sa Gitnang Silangan at kapag naayos ang mga kaukulang dokumento ay mapapauwi na rin ng bansa ang mga ito.

Ilan pa sa sinusubukang mapalaya ng Presidente ay ang tatlong nakakulong dahil sa umano’y pagkuha ng litrato sa Qatari military installations at pagnanakaw ng mahahalagang dokumento.

Nahatulan na sila ng death sentence ngunit umapela lang ang ating embahada. Hanggang ngayon ay sinusubukan ng ating gobyerno ang lahat ng kanilang magagawa upang mapabalik ang ating mga kababayan sa Pilipinas.

Hintayin na lang natin ang ilan pa nating kababayan na mapapauwi ng bansa sa tulong ng ating gobyerno at pakikipag-usap sa Saudi Arabian government.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

PAGTAKBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with