Antonia

HABANG naglalakad sa mall, kitang-kita niyang may nalaglag na bagay mula sa bag ng babae nang ilabas nito ang cell phone. Tinawag niya ito para ipaalam na may nalaglag sa bag nito.

Miss! Miss!

Pero hindi siya narinig ng babae. Mabilis ang lakad nito na parang may hinahabol. Agad niyang dinampot ang nalaglag, na napag-alaman niyang credit card. Nagpasya siyang magpunta sa administration office ng mall at inireport ang  napulot na card. Ini-announce sa buong mall na may napulot na credit card.

Nanatili siya sa opisina ng mall upang hintayin ang magke-claim ng card. Natandaan niya ang hitsura ng damit ng babaeng may-ari ng card. Pagkalipas ng 20 minuto, dumating na ang babae. Para ma-verify kung siya talaga ang may-ari, itinanong niya  ang pangalan nito. Saang banko nagmula ang credit card? Saan entrance ng mall ito pumasok. Malapit kasi sa entrance ang pinaglaglagan ng credit card. Matapos niyang ibigay ang card sa may-ari, saka siya nagpakilala.

I’m Antonia. Just call me Toni.

Nang ma-realize kong nawawala ang aking credit card, nagdasal kaagad ako kay Saint Anthony. Di ba siya ang patron saint ng mga nawawalan ng gamit? Di ko pa natatapos ang pagdadasal nang marinig ko ang announcement. Maraming salamat sa iyo.

Show comments