Mula sa bintana ng aming tahanan
Pinanonood ko ang patak ng ulan
Kung minsa’y banayad malakas kung minsan
Dumadagundong pa sa aming bubungan
Sa patak ng ulan aking nagunita-
Ang isang panahong ako’y isang bata
Basta’t umuulan na ako’y natutuwa
Maliligo kami na walang sawa
Sa gitna ng kalye kami’y maglalaro
Sambutan ng bola takbuhang malayo
At kung nadaramang ang ula’y hihinto
Sa mga alulod ay nagpapatulo