ISANG lalaki mula South Africa ang nagawang tawirin ang Atlantic Ocean nang nag-iisa at sa pamamagitan lamang ng pagsasagwan.
Sinimulan ng 42 anyos na si Chris Bertish ang kanyang paglalakbay sa Agadir, Morocco kung saan niya sinimulan ang pagsasagwan ng higit 6,500 na kilometro upang makara-ting sa isla ng Antigua na nasa kabilang panig ng Karagatang Atlantiko.
Nito lamang Biyernes nakumpleto ni Bertish ang kanyang 93 araw na paglalakbay at ayon sa kanya ay ito ang pinakakatakot na bagay na kanyang ginawa sa buong buhay niya.
Sinagupa kasi niya ang malalaking alon at ang mga pa-ting sa karagatan na kanyang hinarap habang sakay lang ng kanyang maliit na bangka.
Kalaban din niya ang dilim dahil kadalasan ay sa gabi lang siya nagsasagwan upang makaiwas sa matinding sikat ng araw.
Hindi si Bertish ang kauna-unahang nakatawid ng Atlantic Ocean nang nag-iisa at sa pamamagitan ng pagsasagwan dahil nagawa na ito ng 67 anyos na si Aleksander Doba na taga-Poland noon pang 2010.
Gayunpaman ay nakapagtala pa rin si Bertish ng bagong world record matapos siyang makapaglakbay ng higit 115 kilometro sa loob lamang ng isang araw.