‘Kunsuwelo sa mga guro’

SALUDO ako sa mga gurong tumatayo bilang pangalawang magulang sa eskwelahan. Hindi madali ang papel na kanilang ginagampanan.

 Pero tawag ng propesyon nilang minamahal, mas mahaba pa ang ginugugol nilang oras sa paaralan kumpara sa sarili nilang mga anak at mga mahal sa buhay.     

 Nagsasakripisyong magturo para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan na kung iisipin hindi kayang bayaran ng pera ang kanilang dedikasyon at ibinibigay na serbisyo.

 Hindi sila nakakaringgan ng anumang reklamo. Kung mayroon mang gumagawa ng mga katarantaduhan at iregularidad, bilang lang.      

 Ang ganitong mga isyu, hindi masyadong nabibigyan ng puwang at atensyon. Marami sa publiko at mga kabaro ko sa media interesado lang sa mga isyung pang-nasyunal. Wala namang masama.

 Salamat naman at napansin sila ng Department of Education. Tama ang kanilang desisyon. Bigyan ng konsuwelo at konsiderasyon ang mga public school teacher na nasa mga liblib at malalayong lugar.      

 Bigyan ng special allowance ang mga nasa mahihirap na destino, dalawa o higit pa ang klaseng tinuturuan at walang maayos na transportasyon sa kanilang lugar.  

 Kasama rin sa bagong programa ang mga nasa armed conflict areas o mga delikadong probinsya at lalawigan.   

 Aprubado na ng Department of Budget and Management ang P977 milyong ihinirit na pondo ng DepEd para sa mga guro nilang nasa ‘hardship post’ kung tawagin.

 Ayon sa dalawang ahensya pinag-aaralan nalang nila kung papaano maiaabot ang special allowance sa mga public school teacher.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel. 

 

Show comments