^

Punto Mo

Atomic bomb na higit 50 taon nang nawawala, natagpuan ng isang diver sa Canada

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI inaasahan ng isang diver sa Canada na matatag-puan niya ang atomic bomb na nawawala mahigit 50 taon na ang nakararaan.

Sinisisid ni Sean Smyrichinsky ang baybayin ng British Columbia para maghanap ng sea cucumber ngunit sa halip ay natagpuan niya ang isang misteryosong bagay na pahaba ang hugis sa ilalim ng karagatan.

Sa una ay inakala niyang unidentified flying object (UFO) ang kanyang natagpuan ngunit nang nagsaliksik siya ukol sa kanyang nadiskubre ay nalaman niyang may malaking posibilidad na isa itong atomic bomb.

Mayroon kasing eroplano ang United States na bumagsak malapit sa British Columbia noong 1950 na may kargang atomic bomb na kahalintulad ng ibinagsak sa Hiroshima at Nagasaki noong 1945.

Hindi na muling natagpuan ang mga bombang karga ng eroplano.

Naniniwala si Smyrichinsky na ang atomic bomb nga na nawawala ang kanyang natagpuan dahil kamukhang-kamukha raw ng kanyang nakita ang mga larawan ng atomic bomb na nasa Google.

Hindi naman naniniwala si Major Steve Nata ng Canadian Armed Forces na totoong atomic bomb ang natagpuan ni Smyrichinsky. Malamang daw na isa lamang itong dummy na ginagamit sa pag-eensayo ng mga piloto.

Sa kabila nito, may malaking posibilidad pa rin na isang atomic bomb nga ang natagpuan ni Smyrichinsky dahil nasa 5 milyong tonelada na mga bomba ang tinatayang nawawala simula noong 1919 hanggang 1980.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with