^

Punto Mo

10 paraan para gumanda ang iyong mood

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Bumarkada sa mga taong palangiti. Nakakahawa ang pagiging palangiti.

Mag-lipstick ng pula ang shade. Sa pag-aaral na ginawa ng Harvard at Boston University, ang red lipstick sa mga babae ay nagbibigay ng self-confidence. Ang resulta, nagmumukha silang magaling sa paningin ng ibang tao.

Amuyin ang kahit anong citrus fruit. Sabi ng aroma therapist, ang amoy ng nasabing prutas ay nakakabawas ng stress and anxiety.

Imasahe mo ang iyong binti. Nagiging maganda ang blood circulation kapag minasahe ang buong binti. Tuluy-tuloy ang magandang sirkulasyon hanggang puso kaya sumisigla ang pakiramdam.

Magpatugtog ng mga nakakaindak na music. ‘Yun bang kahit wala kang hilig sumayaw ay napapasayaw ka kapag narinig mo ang isang uri ng tugtog.

Kumain ng mixed nuts. Ang pagkain ng kalahating tasang nuts araw-araw ay nagpapataas ng serotonin level sa utak. Ito ay chemical sa ating katawan na responsable sa pagbalanse ng ating mood. Ang mababang serotonin ay nagdudulot ng depresyon.

Mag-drowing kahit hindi ka artist. Kahit stick figure okey na iyon. O, kaya, bumili ng coloring book at kulayan mo iyon.

Makipag-date sa mga kaibigan, o dating mga kaklase.

Subukan mong magluto ng bagong recipe. Kung successful, ipatikim mo ito sa iyong mga kaibigan.

Magbigay ka ng pera sa charity sa pamamagitan ng banko o personal mong dalhin ang donation. Nasubukan ko na ito. Nakakaligaya sa puso. Try n’yo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with