Uminom ng isang basong fresh grape juice para matanggal ang grabeng migraine.
Mas mainam na uminom ng maraming tubig sa araw para pagdating ng gabi ay siguradong mahimbing ang tulog. Kapag may sapat na tubig (hydrated) ang katawan, ang tulog ay nagiging tuluy-tuloy.
Mga 1000 times na mas malakas ang radiation na ibinubuga ng low batt cell phones. Hintayin munang ma-recharge nang kumpleto bago gamitin.
Ang pag-inom ng maligamgam na lemon juice na hinaluan ng isang kurot na asin tuwing umaga ay nagpapababa ng timbang at bad cholesterol.
Patuluan kaagad ng tubig sa gripo ang balat na napaso sa loob ng 5 minuto. Dahan-dahang sabunin at banlawan saka tapalan ng isang hiwang kamatis na galing sa freezer. Sa ganitong paraan, napipigilan ang balat na tubuan ng blister.
Kung inaantok sa oras ng trabaho, kumuha ng malamig na tubig at inumin ito. Hindi ka lang mare-rehydrate, gigi-singin mo rin ang iyong utak para bumalik ang iyong focus sa trabaho.
Kung nakakaranas ng claustrophobia sa maliit na eroplano, magbaon ng green apple o cucumber. Puwedeng ito ang kainin at amoy-amuyin habang nasa biyahe. Ang amoy ng mga nabanggit ay nagdudulot ng ilusyon na “lumalawak ang space” na kinaroroonan mo. Nakakatulong din ang amoy ng green apple na magtanggal ng migraine.