INAKYAT ng tinaguriang French “Spider-Man” na si Alain Robert ang isa sa pinakamataas na building sa Barcelona ng wala man lang suot na harness o lubid na maaring magligtas sa kanya sakaling siya ay mahulog.
Pinanood ng publiko ang ginawang stunt ng 54-anyos sa Torre Agbar na sikat sa Barcelona dahil sa pailaw nito gabi-gabi.
Inabot lang ng isang oras ang pag-akyat at pagbaba ni Robert mula sa nasabing skyscraper.
Kilala na ang French “Spider-Man” sa kanyang mga ginagawang pag-akyat sa mga building nang walang kahit anong gamit na pangkaligtasan bukod sa chalk sa kanyang mga kamay at sa suot niyang climbing shoes.
Nasa 100 gusali na ang kanyang naakyat, kabilang na ang sikat na Golden Gate Bridge sa San Francisco, ang Burj Khalifa sa Dubai, ang Eiffel Tower sa Paris, at ang Sydney Opera House.
Ang mga nasabing gusali ay inakyat lahat ni Robert na walang suot na safety equipment.