BISTADO na ang mga karakas at palpak na performance ng mga matataas na opisyal ng Department of Transportation (DoTr).
Mismong si House Spea-ker Pantaleon Alvarez ang humihiling na sibakin sa lalong madaling panahon sina Undersecretary for railway Noel Kintanar, Undersecretary for legal and procurement Raoul Creencia at Undersecretary for air operations Bobby Lim.
Mukhang nakalimutan ni Alvarez na dapat din sinibak si Undersecetary for land transportation Anne Lontoc na may pangunahing responsibilidad sa problema sa trapiko, mga plaka ng sasakyan at driver’s license.
Samantala si Usec. Kintanar ay may direktang nangangasi-wa sa usapin ng rail kung saan ay wala pa rin nangyayaring pagbabago sa performance tulad ng MRT na halos araw-araw ay tumitirik at parusa sa mga komyuter.
Si Usec. Creencia ay kuwestiyunable rin ang perfomance at ang ipinagtataka mismo ni Alvarez na walang mga nagagawa pa ang lahat nang undersecretaries na ito na dapat ay katuwang ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
Galit na ang Speaker sa undersecretaries at may hinala ito na sadyang hindi umaaksiyon upang hintayin ang ibibigay na emergency powers ng Kongreso upang wala nang proseso ng bidding at puwedeng pasukin ang negotiated contract sa lahat nang proyekto sa departamento at mangangahulugan na may isinusulong na pansariling interes.
Bukod sa undersecretaries, isamang sibakin sa puwesto si Tugade na simula ng maupo sa DoTr ay wala namang nangya-ring pagbabago upang guminhawa ang publiko.
Si Tugade ang pangunahing responsable sa pagtatalaga sa kanyang undersecretaries na dapat ay katuwang sa pagresolba sa napakaraming problema sa ahensiya.
Inaasahan na hindi rin makukumpirma ng makapangyarihang commission on appontments si Tugade at sana makahanap ng ibang personalidad si President Duterte upang mamuno sa DoTr na tunay na magpapatupad ng pagbabago at pagresolba sa problema ng taumbayan.