^

Punto Mo

‘Pahiram lang pala?’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

LUMAPIT sa amin si Retsul Asug para ihingi ng tulong ang tungkol sa problema nila sa isinanlang bahay.

“Matagal na akong naghahanap ng tutulong sa amin. Nabasa ko ang kolum ninyo kaya naisipan kong humingi ng tulong tungkol sa pagsasanla ng bahay sa amin,” ayon kay Retsul.

Kwento niya buwan ng Nobyembre 2015 nang maghanap ang kanyang kapatid ng uupahang bahay o yung sinasanglang bahay. Sa Brgy. Caysio sa Sta. Maria, Bulacan sila nilapitan ng isang nangngangalang Evelyn Agustin, 52 taong gulang.

“Inialok niya yung kanya daw bahay. Ang naging katibayan lang namin ay ang ginawang kasunduan,” pahayag ni Retsul.

Ayon sa kasunduan isinasanla ni Evelyn Agustin ang bahay sa mag-asawang Rosanna at Sony Guardario sa halagang labing limang libong piso. Titirhan ito ng mag-asawa mula ika-29 ng Nobyembre 2015 hanggang sa tubusin ng may-ari sa loob ng anim na buwan.

“Hangga’t hindi pa natutubos ay patuloy pa raw itong titirhan. Napagkasunduann nila na kapag natubos na ito ay bibigyan silang dalawang linggong palugit para makahanap ng malilipatan,” kwento ni Retsul.

Hunyo nang magkasakit si Sony at pinayuhang huwag muna magtrabaho kaya’t umuwi ng Leyte. Naiwan ang asawa niya dun at hinintay na  tubusin ang bahay. Linggo-linggo nangangakong babayaran sila. Nagpabalik-balik ang kanyang kapatid mula Taguig papuntang Bulacan.

May bigla raw nagpakilala na tunay na may ari ng bahay at pinapaalis ang kanyang kapatid.

Tanong nila anong kailangan nilang gawin at gusto nilang mapanagot ang may kasalanan dahil mukhang ginagawa raw itong modus.                

“Hindi kami mapera at nakakapanghinayang ang perang yun. Sa ngayon nakikitira na lang kami sa tiyahin namin,” ayon kay Retsul.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, meron tayong sinasabing ‘caveat emptor’ o let the buyers beware na siguruhin mo munang kanila ang isinasanla baka bandang huli modus yan na uutuin ka nila na tanggapin ang sangla tapos bandang huli may magpapakilalang may-ari at hindi mo na magagamit at papaalisin ka.

Sa barangay kayo mag-usap para malaman ang lahat ng detalye at dun baka maibalik ang kanyang pera o kung hindi man bigyan siya ng Certificate to File Action (CFA) para kasuhan ito.

Bago tayo magpakawala ng isang kusing maging matalino gaya ng matsing.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

 

 

 

PAHIRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with