Kakaibang Paraan …para magsunog ng calories tungo sa pagbawas ng timbang
1—Exposure sa malamig na temperatura. Paano ito maa-achieve? Pananatili sa lugar na may aircon, maligo ng malamig na tubig at maglakad-lakad sa labas ng bahay kung malamig ang panahon.
Ang white fat na naiipon sa ating katawan ay nagiging “brown fat” kapag nalalamigan ang ating katawan. Ang mabilis masunog ay brown fat. Mas maraming brown fat, mas mabilis bumaba ang timbang at lumiliit ang tsansa na magkaroon ng diabetes.
2—Uminom ng malamig na tubig.
3—Ngumuya ng sugar free chewing gum. Nagdudulot ito ng pakiramdam na busog kaya nababawasan ang pagkain ng miryenda. Mas mainam na mag-chewing gum pagkatapos kumain ng meal.
4—Mag-donate ng dugo. Pagkatapos mong ibigay ang dugo, gumagamit ng energy ang iyong katawan para muling mag-produce ng panibagong protina, red blood cells, at ibang blood component na nawala. Mas maraming energy ang nagagamit, mas maraming calories ang nasusunog.
5—Laging tumawa, kung makakahalakhak ka, mas mabuti.
- Latest