Carabao Man (166)
“HINDI ka mahuhulog. Basta kumapit ka lang sa akin,” sabi ni JP habang niyayayang sumakay sa kalabaw si Maricel.
“Hindi ako sanay suma-kay, JP. Baka biglang magulat ang kalabaw at magwala.’’
“Magtiwala ka sa akin. Matagal na akong sumasakay sa kalabaw at bihasa rin akong mag-alaga ng kalabaw kaya alam ko kung nagwawala ito o hindi. Maniwala ka lang at kumapit sa akin.’’
Nag-isip si Maricel. Bakit nga ba siya matatakot e mayroon naman siyang hahawakan na malalakas na kamay. Bakit ba siya mag-aalinlangan gayung maliit pa lang na bata si JP ay kalabaw na ang kasama nito. Laging nakasakay sa ka-labaw kaya bihasang-bihasa na.
“Sige sasakay ako. Hawakan mo ako, JP.’’
“Sige, halika. Iabot mo sa akin ang kanang kamay mo at itapak mo ang kanang paa dito sa kanang paa ko.’’
Ginawa ni Maricel.
“Pagsabi kong sampa, sampa ka ha. Pagaanin mo ang sarili mo para madali kang makasampa. Kayang-kaya mo yan. Okey ready, one, two, three, sampa!’’
Sumampa si Maricel. Bumuwelo siya nang hinatak ni JP pataas. Kaya nga niya. Eksakto ang bagsak ng puwit sa likod ng kalabaw. Kumapit siya nang husto sa baywang ni JP.
“O di ba kaya mo?’’
“Oo nga. Mabilis lang pala.’’
“Basta magtiwala ka lang sa akin, Maricel at nasa mabuti kang kalagayan.’’
“Opo Mr. Carabao Man.’’
“Saan mo gustong pumunta Maricel?’’
“Bahala ka JP. Kung saan mo ako dalhin, wala akong tutol.’’
“Talaga, Maricel?’’
“Oo. Basta huwag lang sa iniisip mo, he-he-he!’’
“Sabi ko na nga ba’t yan ang sasabihin mo.’’
“Pumunta kaya tayo sa malapit sa water falls. Pagmasdan natin ang bagsak ng tubig.’’
“Sige.’’
Pumunta sila sa water falls. Marahan lang ang lakad ng kalabaw.
(Itutuloy)
- Latest