Sa gitna ng bukid

Natanim sa puso ang isang pag-ibig

Na ang kahuluga’y buhay ko at langit;

Ito’y nagsisimulang isang panaginip

Na nagkatotoo nang ikaw’y namasid!

 

Nang masilayan ka’y nag-iba ang mundo

Ng ulilang pusong sagad sa siphayo;

Dati-rati’y namumuhay sa pagkasiphayo

Ngayo’y  naglulunoy sa tuwa’t pangako!

 

Paano’y mutya kang kaiba sa lahat

Sa mga ngiti mo’y lumigayang ganap;

Nang minsang magtagpo ating mga sulyap

Pag-ibig sa puso’y agad nag-umalpas!

Show comments