^

Punto Mo

Salamat sa Pokemon Go, magnanakaw nahuli sa New Zealand

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA halip na Pokemon, isang magnanakaw ang nahuli ng ilang Pokemon Go players sa New Zealand.

Pagala-gala ang mga naglalaro ng Pokemon Go sa Napiers, New Zealand upang manghuli ng Pokemon nang bigla na lang silang makarinig ng alarm ng kotse.

Pagkarinig sa ingay ay nakita nila ang isang lalaking naka-maskara na tumatakbo papunta sa kanilang direksyon.

Mabilis na nakapag-isip ang mga Pokemon Go players kaya sinunggaban nila kaagad ang lalaki at pinigilang makaalis.

Hinuli at binantayan ng mga manlalaro ang salarin hanggang sa dumating ang mga pulis.

Inaresto naman ang lalaking nakamaskara na inaasahang sasampahan ng kasong pagnanakaw.

Nagbiro pa ang mga pulis sa kanilang report na nagawa ng mga players na mahuli ang lalaki kahit hindi sila gumamit ng Pokeballs na ginagamit sa laro upang makapanghuli ng Pokemon.

Nagpaalala naman ang mga pulis sa New Zealand na mag-ingat sa tuwing maglalaro ng Pokemon Go.

Marami na kasing napapabalitang Pokemon Go players mula sa iba’t ibang bansa ang nahoholdap o nasasaktan dahil sa ginagawa nilang pag-iikot upang makapanghuli ng Pokemon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with