DALAWANG taong gulang pa lang ay nagbabasa na si Jeremy Shuler ng mga librong nakasulat sa English at Korean.
Pagtuntong ng anim na taong gulang ay pinag-aaralan na niya ang calculus habang ang mga kasing-edad niya ay natututo pa lang na magbasa at magsulat.
Kaya naman hindi na nakakapagtakang sa murang edad na 12 taon ay papasok na siya sa Cornell University na isa sa mga paaralang kasapi ng Ivy League.
Ang Ivy League ay isang grupo na kinabibilangan ng Harvard University at ng iba pang mga prestihiyosong unibersidad sa Amerika.
Dahil sa kanyang katalinuhan ay hindi na siya ini-enroll sa preschool at sa halip ay pinag-homeschool na lang siya at tinuruan sa bahay ng kanyang mga magulang na parehong aerospace engineers.
Ngayon ay nagsimula na ang mga klase ni Jeremy sa Cornell at ayon sa kanya ay madali pa ang mga ito para sa kanya kaya inaasahan niyang magi-ging mahirap na ito sa mga susunod na buwan.
Pangarap ni Jeremy ang maging isang academic ba-lang araw.