^

Punto Mo

Sana hindi ‘ningas-kugon’

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

Halos lahat ng mga nakapakinig sa kauna unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Rodrigo Duterte ay napahanga at nagustuhan ang mensahe nito.

Kadalasan naman ay maraming bilib sa mga unang SONA at positibo ang taumbayan na ito ay matutupad at magtatagumpay.

Sa talumpati ng Presidente ay kanyang muling idinetalye ang kampanya nito laban sa iligal na droga.

Pero ang isa sa magandang balita na nabanggit ng Presidente ay makikinabang ang lahat mula sa pinakamahihirap na mamamayan, middle class at mga pinakamayaman.

Sa mga mahihirap na mamamayan ay ipinag-utos ng pangulo sa DSWD ang subsidy ng bigas samantalang sa mga middle class ay pababawasan ang buwis at pag-iigihin ang mga serbisyo tulad sa mga rail train at pagresolba ng problema sa trapiko.

Sa mga mayayaman naman ay pinalilipat ng Presidente ang airport sa Sangley Point na mas magiging komportable sa mga nagmamay-ari ng pribadong eroplano na magiging ginhawa rin para sa lahat.

Isa rin sa muling binigyang diin ng Presidente ay ang pagpapaikli sa proseso sa mga transaksiyon sa gobyerno.

Marami pang binanggit ang Presidente na masarap pakinggan at lahat ay umaasa na hindi ito magsisilbing “ningas-kugon” o sa umpisa ay mararamdaman ang pagbabago pero makalipas ang maikling panahon ay balik din sa dating gawi.

Hindi sana mabigo ang taumbayan sa pagkakataong ito ng Duterte administration na hindi naman kailangang overnight pero kahit papaano ay magkaroon lang ng unti-unting pagbabago ay sapat na ito upang lalong tumibay ang tiwala ng publiko sa ating gobyerno.

Patuloy na mag-aantabay lamang ang taumbayan sa mga pangako ng Presidente at lahat tayo ay umaasang magtatagum-pay ang administrasyong ito sa kanilang programa dahil lahat nang Pilipino ay makikinabang dito.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with