^

Punto Mo

‘Di pa kami laos’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

MINSAN nakita ko sa CNN America ang isang walumpung taong gulang na ‘flight stewardess’ hatak-hatak ang maleta at papasok sa tube ng eroplano kung saan siya naka-assign. Malakas pa ang tuhod ng babae, masiyahin at maraming pasahero ang nagpapa-selfie sa kanya,

Sino ang makakapagsabi na hindi mo na kayang magtrabaho? Hindi ba’t sa sarili mo lang kapag naramdaman mo na hindi mo na kaya bakit magpipilit ka pa?

Una na itong ginawa ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) at kinatigan ito ng Korte Suprema subalit sa hindi inaasahang pagkakataon mula sa isang sulat ng isang sikat na abogado binaliktad ng Korte Suprema at kinatigan ang Philippine Airlines.

May panukala na huwag tingnan ang edad ng isang aplikante bilang batayan kung siya ay matatanggap sa trabaho o hindi. Ito ang ‘Anti-age Discrimination Law’.

Ipinagbabawal nito ang paglalagay ng ‘age limit’ sa mga ‘job announcements’ at ang pagtatanong ng edad sa proseso pa lang kung tatanggapin ba siya o hindi. Lahat ng manggagawa ay kabilang dito.

Ito ay ginawa para isulong ang pantay-pantay na oportunidad sa bawat tao at hindi maging basehan ang edad kundi ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pinapasukang trabaho at kung kwalipikado ba sila.

Ipinagbabawal din nito ang pagbase ng kanyang ‘promotion’ sa edad, ‘early retirement’ at ang pag-aalis sa isang trabahador ng dahil sa katandaan.

Maraming mga kababayan tayong pagdating ng kwarenta ay hindi na nakakahanap ng paniba-gong trabaho. Kalimitan ang ating mga kababayang OFW’s ang nasasagasaan ng ganitong sistema.

Napapabalik na lang sila ng bansa at bihirang-bihira ng makahanap ng susunod na mapapasukan.

Nung kampanya pa lang ay isinusulong na ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte ang tungkol sa ilang batas pabor sa mga manggagawa. Sa pag-upo nito sa pwesto tatlong batas ang isasabatas nito at kabilang na nga dito ang ‘Anti-age discrimination Law’.

Sa ganang akin napakagandang panukala kung maisasabatas ito. Bakit tayo magdediskriminasyon sa edad ng tao kung siya mismo alam niyang kaya niyang gampanan ang kanyang trabaho.

Hindi ba’t nakasulat sa konstitusyon na walang sinuman ‘to be discriminated because of color, breed or religion? Ba’t di natin idagdag ang edad ng isang aplikante o isang empleyadong nagtatrabaho na?

Maraming kababayan natin ang natuwa dito dahil hindi na pagbabasehan ang kanilang edad para magkaroon ng regular na mapagkakakitaan.

Good move Digong! Kasama mo kami diyan.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

DIGONG PARTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with