Nakakatakot na ang mga nangyayaring krimen sa Metro Manila at wala namang magawang aksiyon ang kapulisan. Kahit pa katabi ng police station ay walang takot ang mga kriminal. May binabaril ng riding-in-tandem at may hinoholdap at pinapatay pa kapag hindi ibinigay ang hinihinging cell phone o tablet.
Mayroong ginagahasa at pinapatay at maski ang mga menor-de-edad ay hindi pinatatawad. May mga matandang mag-asawa na nilolooban at pinapatay pa.
Ang paglaganap ng bawal na droga ang dahilan kaya tumataas ang krimen. Ang mga taong bangag sa bawal na gamot ay wala nang pinakikinggan at mistulang baliw na habang ginagawa ang krimen.
Naniniwala ako na ang uupong presidente sa Hunyo 30 ay magkakaroon ng kamay na bakal para lupigin ang mga kriminal. Lutasin ang paglaganap ng droga at palagay ko mababawasan ang krimen.
— Leo Magpantay, Project 6, Quezon City, leo_16@yahoo.com