‘Bahay mo bato!’
SA tuwing hahagupit ang kalamidad maraming nawawasak ang tahanan at kung may natitira man sa kanila ay mga dingding na lamang.
Ito binibigyang halaga at pansin ng Property Company of Friends Inc. (PRO-FRIENDS), isa sa pinakakilala at pinakamabilis lumagong developer sa ating bansa.
Sa pabago-bagong klima ng Pilipinas ang mga bahay ng Pilipino ay nangangailangan ng matitibay na materyales para malampasan ang anumang uri ng panahon.
Gumamit ang PRO-FRIENDS ng isang teknolohiya, ang ‘reinforced concrete technology system’ upang masiguro ang kalidad ng tahanang kanilang itinatayo at maging ang pagiging ligtas nito.
Ang PRO-FRIENDS ay nagtatayo ng mga bahay kung saan ang mga pader nito ay ‘manufactured with enhanced forms’, ‘custom-formulated ready-mix concrete’ at mga sangkap na dinisenyo mismo ng developer.
Hindi ito tulad ng tradisyonal na ‘concrete hollow blocks’ (CHB) na hindi dumedepende sa mano-manong paggawa kaya’t nakakasigurong mas maliit ang tyansa ng pagkakamali at pagsayang ng materyales.
Sa tibay ng teknolohiyang ito na may 2,000 pounds per square inch kumpara sa CHB’s na may 400 hanggang 700 per square inch. Ang mga tahanang ginawa ng PRO-FRIENDS ay mas makakatagal sa bagyo, lindol at iba pang kalamidad kaysa sa yari gamit ang CHB.
Maliban sa pagsisiguro na ang mga itinatayo nilang bahay ay matitibay, hangad din ng PRO-FRIENDS na maghatid ng isang ‘Family Friendly City’ na ngayon ay lumalago na sa Mega Manila.
Ang Lancaster New City ay isang kanlungan ng may kalidad, abot-kamay na tahanan sa kompletong komunidad na talagang idinisenyo para sa pamilyang Pilipino.
Inaalala ng PRO-FRIENDS ang pangangailangan ng isang pamilya kaya nagkaroon sila ng ideya na magbigay ng isang kakaibang komunidad malapit sa Metro na magiging daan upang magbigkis sa bawat pamilya.
Nagsimula ang unang bahagi nito noong 2007, ang Lancaster New City ay madaling nagbago papunta sa isang ‘master-planned community’ na lumawak na ng mahigit 1, 400 ektarya na sumasakop sa Kawit, Gen. Trias at Imus, Cavite.
Malapit ito sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) kaya’t ang bawat pamilya ay mayroong pagkakataon na magkaroon ng pagpipilian na magkaroon ng bahay sa mas mababang presyo na may natatanging nayon malapit sa Metro Manila na mas binibigyan ng pansin ang pagkakaroon nila ng lahat ng kakailanganin. Mabuhay, Matuto, Magtrabaho, Maglaro at Magdasal.
Ang Lancaster New City merong kompletong komunidad na may pagpipiliang two-storey townhomes at two-storey single attached homes. Dinisenyo ito para sa mga young professionals, nagsisimulang pamilya at sa mga malalaking pamilya. May sapat din silang espasyo para mas makakilos sa loob ng tahanan.
Maliban pa dito may sarili ding patyo ang bawat tahanan na inilaan sa paglalaro ng mga bata.
Ang Lancaster New City ay nagbibigay din ng de-kalidad ngunit abot-kayang edukasyon para sa mga residente nito. Ang St. Edward Schools (SES) ay nasa ika-apat na nitong taon at umabot na ng dalawang libong estudyante ang nag-aaral dito.
Ang unang ‘community School’, St. Edward Faith Community School ay nagsimula na din ngayong school year (SY2015-2016) upang matugunan ang lumalaking populasyon ng komunidad. Sa hinaharap ay mas marami pang community school ang bubuksan na malapit sa residential areas upang mas maging maginhawa ang bawat pamilya.
Nagbibigay din ng ilang trabaho sa Lancaster New City sapagkat narito ang IT Park ng Cavite, SuntechiPark. Binibigyan nito ng pagkakataon ang bawat residente na makapagtrabaho malapit sa kanilang tahanan at magkaroon ng mas mahabang oras para sa pamilya.
May transport system din sila upang mas mapabilis ang pagbiyahe ng kanilang mga residente. May mga shuttle sila mula sa Lancaster New City Transport Hub papuntang South West Integrated Provincial Terminal (Coastal Mall) at vice versa.
Nakatakda ding magtayo dito ng Downtown Lancaster, ang 25 ektaryang commercial-business-lifestyle district na magbibigay ng retail at leisure activities sa mga office workers at residente.
Hindi makokompleto ang isang komunidad kung walang simbahan kung saan maiituro ng bawat magulang ang kahalagahan ng pagdarasal. Ang Church of the Holy Family sa loob ng Lancaster ay nagdaraos ng misa tuwing linggo, nagkakasal at ilang seremonya. Ginanap din dito ang tradisyonal na Simbang Gabi noong nakaraang taon.
Tapat ang PRO-FRIENDS sa kanilang misyon na ‘creating communities and transforming lives’. Naghandog din sila ng ilang regalo sa iba’t-ibang institusyon tulad ng Kanlungan Ni Maria (home for the aged) sa Antipolo, Rizal sa proyekto nitong Corporate Social Responsibility (CSR). Nagbigay din sila ng donasyon tulad ng gamit panlinis, electric fan, emergency lamps at gamot.
Naulit pa ang ganitong aktibidad sa Iloilo City kung saan nagtungo ang PRO-FRIENDS sa Asilo De Molo upang magbigay ng saya. Sa gantitong paraan ibinabahagi ng PRO-FRIENDS ang kanilang tagumpay. Sa pagbibigay ng halaga sa mga taong mas nangangailangan.
PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
- Latest