^

Punto Mo

Larawan ng patatas, naibenta ng higit sa $1-M

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Paris ang bumili ng isang larawan ng patatas sa halagang 1 milyong euros (katumbas ng higit sa 1 milyong dolyar o katumbas ng 68.7 milyong piso). Dahil sa nakakalula nitong presyo ay sinasabing isa ang nasabing larawan sa pinakamahal na naibenta sa kasaysayan.

Ngunit hindi na dapat masyadong  mamangha ang lahat sa presyo ng larawan ng patatas dahil kuha ito ni Kevin Abosch, na sinasasabing isa sa pinakasikat na photographer ngayon sa buong mundo. Siya ang kumukuha ng litrato ng mga celebrities sa Amerika na katulad ni Steven Spielberg, Johnny Depp, at Dustin Hoffmann. Naging photographer na rin siya ng mga sikat na personalidad sa mundo ng Internet katulad ni Sheryl Sandberg na COO ng Facebook at Erik Schmidt na dating CEO ng Google.

Ipinanganak si Abosch sa Ireland, kung saan mahala­gang sangkap ang patatas sa mga pagkain. Mahilig siyang kumuha ng litrato ng mga patatas dahil para sa kanya ay parang tao ang mga ito na sa unang tingin ay magkakaiba ngunit marami talaga ang pagkakapareho.

Ang larawang naipagbenta ni Abosch sa halagang higit sa $1 milyon ay may titulong Potato #345 (2010) at nakasabit ito sa kanyang studio nang ito ay  makita ng isa sa kanyang mga kliyente. Nagustuhan ito ng kliyente at matapos ang dalawang linggo ay binili na niya ito sa halagang 1 milyong euros.

Malaki ang 1 milyong euros kahit sa isang sikat na photographer na katulad ni Abosch na kadalasang kumikita ng $150,000 kada photoshoot at $500,000 kada larawan.

ABOSCH

ACIRC

AMERIKA

ANG

DAHIL

DUSTIN HOFFMANN

ERIK SCHMIDT

JOHNNY DEPP

KEVIN ABOSCH

SHERYL SANDBERG

STEVEN SPIELBERG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with