^

Punto Mo

‘PNoy, dedma lang sa droga’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAKAKABAHALA na 92% na ng barangay sa Metro Manila napasok na ng droga.

Ang nakakapagtaka, mismong ang Pangulong Noy Aquino, relax lang. Hindi nababahala.

Sa kaniyang matatapos nang anim na taong termino, ni minsan, hindi man lang ito nabanggit ng presidente sa kaniyang SONA.

Ni hindi nakaringgan ng mga programa ng gobyerno at kung papaano sugpuin ang pagkalat ng ilegal na droga.

Kaya ang mga sindikato, nagpipista. Lalo pang namamayagpag ang underground industry na ito sa merkado.

Papaano ba naman kasi masusugpo ang droga, barya-barya lang. Tinga lang kung tutuusin ang pondong ibinibigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kulang na sa pondo, kulang na sa mga kagamitan, kulang na sa tao, tengga pa sa Kongreso ang panukalang Anti-wiretapping law.

Subalit nitong nakaraang araw, sa kabila ng pagiging dedma ni PNoy sa ilegal na droga, bigla yatang naging agresibo ang PDEA at CIDG na nasa ilalim ng DILG.

Hindi pa nga napapasok ng dalawang drug agencies ang 92 porsyento barangay sa Metro Manila, sa anumang kadahilanan gusto nilang pasukin ang balwarte ni Mayor Rudy Duterte, ang Davao.

Kaya ang alkalde, umalma. Nagbantang papatayin ang mga gumagawa ng “fabricated” o kwentong barbero na magkakasa raw ng shabu laboratory raids.

Ang pinag-aalala ni Duterte, makakaapekto ito sa kaniyang  pagtakbo sa pagka-presidente.

Bukod dito, mawawalan din siya ng kredibilidad sa nauna niyang deklarasyon na drug-free ang Davao.

Kung totoo man o hindi ang balitang nasagap ni Duterte, mas mabuti siguro kung kayong mga taga-PDEA at CIDG unahin nalang muna ninyong walisin ang droga sa Kalakhang Maynila.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

 

ABANGAN

ANG

DAVAO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DUTERTE

KALAKHANG MAYNILA

KAYA

MAYOR RUDY DUTERTE

METRO MANILA

NBSP

PANGULONG NOY AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->