^

Punto Mo

Roxas, sapol sa Mamasapano probe

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

BAGAMA’T wala raw alam sa planong operasyon ng PNP-Special Action Force (SAF) laban sa international terrorist na si Marwan ay asahan na tatamaan pa rin si dating DILG secretary Mar Roxas sa reinvestigation sa Mamasapano massacre.

Lumilitaw kasi sa ngayon ng anggulong iniutos umano ng Malacañang sa Armed Forces of the Philippines na huwag tulungan ang SAF dahil sa pangambang maapektuhan ang peace talks sa MILF.

Anuman ang banat sa administrasyon, asahang tatagos ito kay Roxas dahil siya ang administration candidate at lalong maaapektuhan ang popularidad sa mga botante.

Bilang dating DILG secretary, hindi makakaiwas si Roxas sa isyu ng Mamasapano dahil bukod sa wala siyang alam sa unang plano sa operasyon ay wala rin itong ginawang aksiyon nang kanyang malaman na napapalaban na ang SAF troopers. Hanggang ngayon napakabagal makamtan ng SAF 44 ang hustisya.

Upang maialis naman ang anumang pagdududa na may motibong pulitikal ang Mamasapano probe, makabubuting mag-inhibit na lang ang mga kandidato sa 2016 presidential elections.

Bagamat hindi puwedeng obligahin na mag-inhibit ang mga senador na sasabak sa 2016 elections, ang usapin dito ay ang isyu ng delicadeza.

Ang mga kandidato sa 2016 elections ay si Sen. Grace Poe bilang presidente at ang bise presidente ay sina Sen. Bongbong Marcos, Allan Peter Cayetano, Antonio Trillanes at Chiz Escudero.

Kung mag-i-inhibit ang mga ito ay wala na sigurong maibabatong alegasyon dito na may motibong pulitikal ang muling pag-iimbestiga sa Mamasapano massacre.

Kung hindi sasali ang nasabing mga kandidato sa 2016 elections ay hindi maaring akusahan ang Senado na namumulitika.

Gayunman, nasa desisyon na ng mga senador kung sila ay mag-i-inhibit at mararamdaman naman ng publiko namumulitika ang mga ito.

ALLAN PETER CAYETANO

ANG

ANTONIO TRILLANES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BONGBONG MARCOS

CHIZ ESCUDERO

GRACE POE

MAMASAPANO

MAR ROXAS

MGA

ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with