“MAHINHIN!’’
Hindi makapaniwala ang tono ng boses ni Sir Juan. Hindi niya inaasahan na dito makikita si Mahinhin. Matagal niyang inasam na makita si Mahinhin at ngayong nasa harapan na niya ang dalaga ay hindi siya makapaniwala. Nananaginip yata siya.
“Ikaw nga ba Mahinhin? Gusto kong makatiyak.’’
Tumango si Mahinhin. At lalo pa itong umiyak. Para bang awang-awa sa sarili. Para bang inabandona.
‘‘Matagal kitang hinanap. Mula nang umalis ka na walang paalam ay hindi na ako nakatulog nang maayos. Lagi kong iniisip kung saan ka nakatira at kung maayos ang tinutulugan mo.’’
Patuloy sa pag-iyak si Mahinhin. Umaagos ang luha sa makinis na pisngi. Ang ilang hibla nang mahabang buhok ay nakaladlad sa noo at bahagi ng mukha. Walang nabawas sa kagandahan ni Mahinhin.
“Bakit hindi ka man lang nagpaalam, Mahinhin? Bakit bigla kang umalis? Wala naman akong alam na dahilan para umalis ka agad-agad. Hindi naman kita paaalisin. Nagtataka ako.’’
Tumigil sa pagnguyngoy si Mahinhin. Nagtataka sa mga sinasabi ni Sir Juan.
‘‘Hindi naman ako maga-galit kung... nagsasayaw ka rito sa KOLEHIYALA. Sino naman ako para hindi ka maunawaan.’’
Hindi na umiiyak si Mahinhin. Nag-iisip siya at nagtataka pa rin sa mga sinasabi ni Sir Juan.
‘‘Kahit pa nagsinugaling ka sa tunay mong trabaho e hindi naman ako nagagalit. Sino ba ako para magalit at humusga? Sana ay nagpaalam ka at sinabi na rin ang problema. Masyado akong nag-worry sa bigla mong pag-alis.’’
Tumayo si Mahinhin. Humarap kay Sir Juan.
“Hindi po ako nagsinu-ngaling Sir Juan. Wala po akong nilihim sa’yo.’’
Si Sir Juan naman ang napamaang.
(Itutuloy)