NANG mahubad ni Nectar ang pang-itaas na damit, ang shorts naman ang hinubad at naiwan lamang ang kapiranggot na itim na bikini panty. Hindi makakilos si Sir Juan sa nakitang kagandahan sa harapan. Maganda pala si Nectar kapag nakapanty lamang. Lumutang ang kakinisan.
Hindi namalayan ni Sir Juan na nakalapit na pala sa kanya si Nectar at muli siyang sinakmal sa labi. Huling-huli ni Nectar ang mga labi ni Sir Juan. Nalanghap muli ni Sir Juan ang mabangong hininga ni Nectar. Amoy hininga ng sanggol.
Lalong naging wild si Nectar at pinagdiinan pa ang labi sa labi ni Sir Juan.
Natangay na si Sir Juan sa ginagawa ni Nectar. Lalaki naman siyang talaga. Wala siyang magagawa kundi labanan ang babaing naghahamon. Hindi siya takot sa babaing ipinagduduldulan ang sarili. Kung ito ang gusto ni Nectar, ibibigay niya. Bahala na! Siguro naman ay naghahanap lamang ng adventure si Nectar. At siya ang gustong makaniig sa paghahanap ng adventure. Hindi naman siguro siya ipapahamak ni Nectar.
Bumitaw si Nectar sa pagkakasakmal sa labi ni Sir Juan at saka umatras. Tinungo ang bed ni Sir Juan at ibinagsak ang hubad na katawan. Napakaganda ni Nectar.
“Halika na Sir Juan,” sabi ni Nectar sa nanunuksong tinig.
Nakatingin lang si Sir Juan.
“Halika Sir Juan. Mahalin mo ako.’’
Kumilos si Sir Juan. Humakbang patungo sa kama. Naupo sa gilid.
Yumakap si Nectar sa kanya.
“Mahal kita Sir Juan. Mahalin mo rin ako ngayon.’’
Kumilos si Sir Juan para ipagkaloob ang hinihingi ni Nectar.
Pero bago nagawa iyon, tumunog ang cell phone niya. May incoming call siya. Sinagot niya.
Inis na inis si Nectar.
(Itutuloy)