^

Punto Mo

Public safety ang isyu sa Montero

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DALAWANG kongresista ang naghain ng resolusyon upang imbestigahan ng Kongreso ang reklamo laban sa Mitsubishi Montero kaugnay ng sudden unintended acceleration (SUA).

Napakaimportante ng kasong ito dahil nakasalalay ang kaligtasan ng publiko.

Sa panig ng Mitsubishi ay kanilang pinaninindigan na walang depekto ang kanilang ibinentang Montero Sports sa kabila na umabot na sa mahigit sa 100 na ang reklamo rito.

Maaring may ilan dito ang masasabing driver’s error pero kung mahigit 100 na customers ay hindi na yata kapani-paniwala na walang problema sa unit.

Hindi  mapipilit ang Mitsubishi na aminin ang depek­to ng Montero kaya naman dapat ay agad kumilos ang gobyerno sa lalong madaling panahon partikular ang Department of Trade and Industry (DTI) upang maprotektahan ang interes ng publiko.

Kapag public safety na ang usapan ay dapat mabilis na kumilos ang gobyerno.

Sa gagawing imbestigasyon ng Kongreso batay sa reso­lusyon nina Partylist congressmen Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate ay dapat na mabigyang diin dito ay ang mabilis na aksiyon ng gobyerno.

Panahon na upang gumawa ng hakbang ang gobyerno ng mga sistema upang matiyak na lahat ng mga pumapasok at ibinebentang sasakyan sa Pilipinas ay ligtas at dumaan sa tinatakdang standards.

Sa mga pangkaraniwang aksidente sa kalsada ay dapat naiimbestigahan ng husto ng mga otoridad  hindi basta sinabi ng driver na nawalan ng preno ay tapos na ang kaso.

Abangan ang magiging imbestigasyon ng Kongreso at sana ay maging mabunga ito para sa interes ng publiko.

ABANGAN

ACIRC

ANG

CARLOS ISAGANI ZARATE

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

KAPAG

KONGRESO

MITSUBISHI

MITSUBISHI MONTERO

MONTERO SPORTS

NERI COLMENARES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with