Sir Juan (52)

“PUWEDENG pumasok, Sir Juan?’’ Tanong ni Nectar.

“Halika, Nectar.” Sabi ni Sir Juan na nahimasmasan na sa biglang pagbangon dahil sa pagkatok ni Nectar.

Ibinukas niya ang pinto at pinapasok si Nectar na noon ay maigting ang plano na ipakita na ang mga la-rawan ni Mahinhin habang malaswang nagsasayaw sa KOLEHIYALA.

Nang makapasok ay marahang isinara ni Sir Juan ang pinto. Nalanghap naman ni Nectar ang malamig at mabangong kuwarto ni Sir Juan. Amoy menthol candy ang kuwarto. Kuma-kapit sa balat ang lamig.

“Maupo ka Nectar,’’ Iti-nuro ang kulay itim na sopa.

Hindi naupo si Nectar. 

“Sir Juan kaya po ako narito ay para ipakita sa’yo ang pictures na nasa cell phone ko.’’

“A oo nga pala. Noong isang araw mo pa ‘yan sinabi sa akin.”

“Opo. Hindi ko ikaw matiyempuhan dahil busy kang masyado. Noong ipakikita ko sana sa’yo ito e may kausap ka sa phone.’’

“Ah oo. Kausap ko ang kapatid ko sa Sydney. Importante kasi.’’

“Ah kaya pala ang tagal n’yong mag-usap.’’

“Oo. Matanda kong kapatid ‘yun.’’

“Sumunod na araw naman po ay busy ka rin dahil may pinagagawa ka sa bubong.’’

“Ah oo. Pinapipinturahan ko ang bubong dahil kinakalawang. Halos tatlong araw na ginawa ang pagpipintura. Sorry at talagang busy.’’

“Kaya po pinuntahan na kita rito.’’

“A okey. Teka ano ba ‘yang ipakikita mo?’’

“Eto pong mga picture.”

“Kaninong pictures?’’

Sa halip sumagot binuksan ni Nectar ang gallery sa cell phone. Ipinakita kay Sir Juan.

“Tingnan mo Sir Juan.’’

(Itutuloy)

Show comments