Sir Juan (47)

“SO may atraso sa’yo si Mahinhin at gusto mong gantihan?’’ Tanong ni Gringo na nahihiwagaan na sa mga ginagawa ni Nectar.

‘‘Parang ganun. Gusto ko siyang mapaalis sa boarding house namin, tapos.’’

“I guess, si Sir Juan ang may-ari ng boarding house. At kaya mo sa kanya ipakikita ang mga photos ni Mahinhin mula sa KOLEHIYALA ay para maging ebidensiya.’’

“Right!’’

“Okey alam ko na.’’

“Hoy huwag kang mai-ngay sa plano kong ito. Ikaw lang nakaaalam nito.’’

Napangisi si Gringo. Hi­nimas-himas ang manipis na bigote.

“Ang lagay ba naman ay basta na lamang ako mananahimik.’’

“Alam ko na ang ibig mong sabihin. Basta bumawi ka pag natapos na itong project ko. May pangako ako di ba?’’

“Siguro naman, hindi ko lang basta makikita ang nasa ilalim ng pugad ng The Raven kundi malalasahan ko pa.’’

“Oo, kahit anong gawin mo!’’

Napalunok si Gringo.

“Puwede bang pa-advance, Nek?’’

‘‘Ay ang kulit mo Gringo ha? Sabi nang pagnatapos ang project eh.’’

‘‘Sana may advance kahit makita lang ang pisngi…’’

‘‘Ay kung sampalin kaya kita sa pisngi.’’

“Damot mo naman.’’

“Pagnatapos na nga ang project! Ayaw mo nun, minsa­nan ang bayad!’’

“Okey. Sige. Basta huwag ka lang sisira sa usapan.’’

Tumangong nakangiti si Nectar pero mayroon siyang ibang naiisip. Hindi siya tutupad. Ano siya, tanga? Si Sir Juan ang type niya.

GUSTONG malaman ni Sir Juan ang pasya ni Mahinhin sa iniaalok niyang scholarship. Isang umaga, hinanap niya si Mahinhin. Natagpuan niya ito sa laundry room.

Nilapitan niya ito at magalang na tinanong.

“Excuse me, Mahinhin, ano ang pasya mo sa iniaalok ko? Pag-aaralin na ba kita nang libre?’’

Humarap sa kanya si Ma­hinhin at matatag na nag­pasya.

‘‘Salamat po Sir Juan sa alok mong pag-aralin ako, pero kaya ko naman pong pag-aralin ang aking sarili. Okey naman po ang trabaho ko sa...pabrika. Ma­tutustusan ko po ang stu-dies ko hanggang sa ako’y makapagtapos ng Business Ad.’’

“Ganun ba? Talagang  hin­di na magbabago ang pasya mo.’’

“Opo. Final na po.’’

“Baka kasi nahihirapan ka na sa trabaho mo.’’

‘‘Hindi po. Okey lang po  ang trabaho ko bilang bookkeeper.’’

Nang maya-maya, biglang dumating si Nec­tar. Dala ang cell phone nito na may mga kuhang larawan mula sa KOLEHIYALA KTV bar.

(Itutuloy)

Show comments