“TINGNAN ko nga ang kuha mo kay Mahinhin,’’ sabi ni Nectar kay Gringo.
Inilabas ni Gringo ang cell phone at iniabot kay Nectar. Halos hablutin ni Nectar ang cell phone para makita ang pictures.
“Teka dun mo tingnan sa coffee shop sa tapat huwag dito,” sabi ni Gringo na nakangisi kay Nectar.
“Sige, halika. Excited kasi ako.’’
‘‘Ako excited din sa nasa ilalim ng pugad ng The Raven, he-he!’’
Lumabas sila sa compound ng unibersidad at tumawid sa kalsada. Pumasok sila sa coffee shop. Pumuwesto sa pinakasulok.
“Umorder ka na Gringo. Bubuksan ko na ang mga kuha mo.’’
“Okey.’’
Tumayo si Gringo at tinungo ang counter. Si Nectar naman ay sabik na binuksan ang gallery files ng mga photos. Inisa-isa.
Hanggang sa makita ang mga photos. Titig na titig siya sa mga kuha. Pinaulit-ulit ang pagtingin. Hanggang mapa-ngiti ito. Para bang sinasabing tagumpay ang kanyang plano.
Hanggang sa dumating si Gringo dala sa tray ang dalawang cup ng coffee at doughnut.
“Ano Nec Baby, nakita mo ang mga pictures?’’
“Yup! Capture na capture mo. Pati pagbukaka!’’
“’Yan ba talaga si Mahinhin?’’
“Oo naman. Bakit duda ka?’’
“Hindi mo ba napansin, dalawang dancer ang kinunan ko.’’
“Dalawa? Isa lang ito ah.’’
“Magkaibang dancer ‘yan. Tingnan mo ang suot ng isa – pula at ang pangalawa ay black.’’
Sinuri ni Nectar.
“Oo nga iba ang suot. Pero iisang babae ito. Ito na nga si Mahinhin.’’
“Magkaibang babae ‘yan, Nec. Magkamukhang-magkamukha lang.’’
“A basta, iisa ang babaing ito at ito na nga si Mahinhin.’’
“Sige kung ayaw mong maniwala e di huwag. Basta, yung pangako mo sa akin, tuparin mo. Kailangang makita ko ang nasa ilalim ng pugad ng The Raven.’’
“Oo. Ipakikita ko muna kay Sir Juan ang mga photos na ito.’’\
“Sinong Sir Juan?’’
(Itutuloy)