^

Punto Mo

Sir Juan (34)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PUMASOK si Sir Juan sa kuwarto ni Mahinhin.

“Maupo ka po, Sir Juan.”

Naupo si Sir Juan sa plastic na silya. Naupo naman si Mahinhin sa gilid ng kama.

“Anong oras ang pasok mo sa school, Mahinhin?’’

“Mamaya pong alas nuwebe, Sir Juan.’’

“Hanggang anong oras ka sa school?”

“Hanggang alas tres po at kung minsan ay alas kuwatro dahil nagla-library pa po ako.’’

“Tapos ay anong oras ang work mo?”

“Alas sais po ng gabi hanggang alas dos ng mada-ling-araw.’’

“Ilang oras lang pala ang tulog mo ano.”

“Mga limang oras lang po dahil kailangan ko pang maglaba at mamalantsa. Pagkatapos at magrerebyu pa po ako.’’

“Ang hirap pala talaga ng kalagayan mo ano?’’

“Kaya ko naman po. Sanayan lang.’’

“Ikaw lang ang tanging working student dito. Lahat sila’y suportado ng magulang.’’

“Masuwerte nga po sila. Kung hindi siguro namatay sina itay at inay ay baka suportado rin ako.’’

Napahinga si Sir Juan pero hindi makatingin kay Mahinhin. Hindi kasi niya alam kung paano sasabihin ang offer kay Mahinhin.

“E Sir Juan, ano po ba ang sasabihin mo sa akin?’’

Saka lamang nagkalakas ng loob si Sir Juan.

“Gusto mo gawin kitang scholar? Ako ang gagastos sa tuition mo.’’

Nabigla si Mahinhin sa offer ni Sir Juan. Napipi siya.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANONG

E SIR JUAN

HANGGANG

IKAW

JUAN

MAHINHIN

NAUPO

SIR

SIR JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with