Sir Juan (33)
ALALANG-ALALA naman si Sir Juan kapag nakikitang alas dos na ng madaling-araw umuuwi si Mahinhin galing sa trabaho nito. Madalas na bumaba-ngon siya nang madaling araw para dyuminggel at nakikita niya na dumara-ting si Mahinhin. May sarili itong susi sa gate at sa main entrance. Delikadong oras na ang pag-uwi niya dahil may mga addict sa kalye na kadalasang nanghoholdap. At paano kung hindi lang siya holdapin? Paano kung molestiyahin? Kakaawa naman si Mahinhin na nagsisikap para makatapos ng pag-aaral. Kahit napakahirap ng trabaho sa gabi ay nagtitiyaga para makatapos ng pag-aaral. Nakakahanga ang mga ganitong estud-yante na marubdob ang paghahangad na makatapos para maging maganda ang kinabukasan.
Sa lahat nang boarders niya ay si Mahinhin lamang ang working student. Karamihan ay pinadadalhan ng kani-kanilang mga magulang ng allowance mula sa probinsiya. Bagamat may mga kinakapos din ay hindi naman katulad ni Mahinhin na ang sarili ang sumusuporta. Lahat nang boarders ay taga-probinsiya. Si Nectar ay taga-Quezon at sa pagkaalam niya ay malaki ang taniman ng mais, pakwan at niyog ng mga magulang nito. Sagana sa allowance si Nectar. Ang pagkaalam niya ay MassCom ang kinukuha ni Nectar.
Si Diosa na isa sa mga boarder ay maykaya ang mga magulang sa Batangas. May-ari ng mga bakery sa San Pascual at Tanauan ang mga magulang nito. Commerce ang course ni Diosa. Lingguhan kung padalhan ng allowance ng mga magulang.
Si Nene ay maykaya rin ang mga magulang sa Mindoro. May taniman ng kalamansi at sintures ang mga magulang sa Pinamalayan. Lingguhan din ang dating ng allowance nito.
Halos lahat ng boarders ay maganda ang kalagayan sa buhay maliban nga lang kay Mahinhin na nagtatrabaho para masuportahan ang sarili.
Ano kaya at bigyan niya ng scholarship si Mahinhin? Marami naman siyang ipon. Nang mamatay ang kanyang ina na si Aling Encar ay may iniwan ito sa kanyang ma-laking pera. Bigay sa kanya at pati sa kanyang kapatid na nasa Sydney. Pero dahil maganda ang buhay ng kanyang kapatid sa Sydney, pati ang kaparte nito sa mala-king pera ay pinagkaloob na rin sa kanya. Kaya marami siyang pera. Aanhin naman niya ang pera e wala naman siyang pamilya. Gamitin na lang niya sa kawanggawa.
Gawin kaya niyang scholar si Mahinhin? Ang ganitong estudyante na masikap sa buhay ang kailangang suportahan. Pero puma-yag kaya? Baka tumanggi dahil mayroon siyang work sa pabrika.
Pero paano niya malalaman kung hindi niya sasabihin dito.
Isang umaga, kumatok siya sa pinto ng kuwarto ni Mahinhin.
Bumukas ang pinto.
“Puwede kang makausap, Mahinhin?’’
“Opo Sir Juan. Pasok ka.’’
(Itutuloy)
- Latest