Ako’y paruparo

Magandang bulaklak ako’y nauuhaw bumukad ka sana

at ipaangkin mo ang nektar ng iyong bangong masanghaya

ang awit ng puso sa gitna ng dilim pakinggan mo sana

paos na ang tinig sa kinatataghoy sa pangungulila

Kaya nga bulaklak dumungaw ka sana sa iyong bintana

at doo’y malasin ang hapis na lagay ng aking dambana

ang lupang tuntungan sa aking pagtaghoy lunod sa luha

pigtal na sa dusa ang hibla ng aking wagas na adhika

 

O sintang bulaklak huwag kang maramot ako ay pakinggan

lunod na ang puso sa dibdib ng kanyang luksang bilangguan;

madali ka sana pag di mo inabot na ito’y may buhay

ikaw ang may salabulaklak ng aking mga panagimpan

Show comments