^

Punto Mo

Lalaki sa China, ibinenta ang bahay at share sa kompanya para lamang maka-bonding ang anak na babae habang nagliliwaliw sila sa mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBANG ama si Zhu Chunxiao ng Shanghai. Siguro ay iilan pa lamang ang nakakaisip ng ganito.

Para makapaglaan nang maraming oras si Zhu sa kanyang dalawang taong gulang na anak na babae, ibinenta ni Zhu ang kanyang bahay at mga share sa kanilang kompanya. Ang napagbilhan ay gagamitin nilang mag-ama sa pagta-travel sa buong mundo. Limang taon silang maglilibot sa mundo.

Naibenta ni Zhu ang bahay at shares sa halagang $300,000. Ayon kay Zhu, sapat na sapat na ang halagang iyon sa kanilang pagbibiyahe.

Ayon kay Zhu, kapag hindi niya nagawa iyon, mawawalan na siya ng pagkakataon na makapiling ang anak. Hindi na niya masusundan ang paglaki nito at ayaw niyang mangyari iyon. Gusto niyang laging makasama ang anak. Kailangan daw na habang bata pa ito ay maka-bonding niya.

Si Zhu, na may Korean descent, ay 10 taon nang nasa Shanghai. Isa siyang matagumpay na entrepreneur at nakaririwasa sa buhay.

• • • • • •

Sa gustong makarinig ng payo ng ina, puwedeng mag-‘rent a mom’

LAHAT ay maaari nang rentahan ngayon --- maski ang ina ay maari na ring i-rent para may mahingian ng payo at nang iba pang hindi kayang solusyunan. Puwede ring kunsultahin sa iba pang problema sa bahay.

Ang “Rent A Mom” ay brain-child ni Nina Keneally, 62, ng Brooklyn. Si Nina ay maraming “mothering skills” kaya ito ang naisipan niyang i-offer. Ang motto ni Nina ay “When you need a mom… Just not YOUR mom.”

Si Nina ay dating theatrical producer at drug-rehab counselor mula sa Connecticut. Si Nina na may associate degree sa counseling ay bihasang-bihasa na sa pagpapayo. Napakarami niyang karanasan bilang ina.

Sa bayad na $40 bawat oras kasama ang expenses, handang pakinggan ni Nina ang lahat ng mga problema. Papayuhan niya ang lahat. Bukod doon, handa rin niyang tulungan ang mga nagpaplano para sa dinner party, nagtuturo na magbake ng cake at iba pang gawain na ang ina lamang ang maaaring makagawa. Handa rin siyang magbalot ng mga regalo.

ACIRC

ANG

AYON

BUKOD

NINA

NINA KENEALLY

RENT A MOM

SI NINA

SI ZHU

ZHU

ZHU CHUNXIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with