^

Punto Mo

Pekeng produkto, nagkalat sa Divisoria!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

MALAPIT na ang Pasko, kaya nagkalat na naman ang mga produkto tulad ng sabon, sigarilyo at imported na paputok sa Divisoria. Kaya nararapat lang na mag-ingat ang publiko sa pamimili nila sa Divisoria dahil sa maaring nakangiti sila dahil sa mura ang nabili nilang produkto galing China subalit pagkalipas ng ilang araw baka nakasimangot na sila. At dapat lang din na kumilos ang gobyerno para paghuhulihin ang mga nasa likod nitong pekeng produkto galing China dahil ang mga maliliit na negosyanteng Pinoy ang tatamaan dito. Sinabi ng mga kosa ko na namonitor nila ang mga pekeng produkto tulad ng sabon na Likas Papaya at Safeguard, Magic Sarap, sigarilyo at tabako at mga imported paputok na ibinebenta sa kalye sa Divisoria. Hindi maaasahan na kumilos laban sa mga pekeng produkto sina Mayor Erap Estrada at Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Rolando Nana dahil “patong” ang mga bataan nila. Dinudumog sa ngayon ang Divisoria dahil sa murang bilihin doon, subalit marami pa sa ating kababayan ang hindi marunong tumingin kung ano ang peke kaya’t t’yak mabibiktima sila. Punyeta! Dapat na talagang i-boykot natin itong mga produktong galing sa China, di ba mga kosa? Tumpak!

Ang itinuturo ng mga kosa ko na nasa likod ng pekeng Likas Papaya, Safeguard, Magic Sarap at sigarilyo ay si alyas Manny So, samantalang ang sa imported paputok naman ay sina Anthony Chong at Vicente Cheng at ang kapatid. Si Manny So, na ang front ay itong si Frank Co, ay may warehouse sa Pier at sa Marvex, Quezon City. Ang mga parating nitong si Manny So ay misdeclared o sa ilalim ng technical smuggling, kaya pati ang gobyernong Aquino ay kanya ring niloloko. Nagyayabang si Manny So na hindi maaring mahuli ang pekeng produkto n’ya dahil naka-timbre s’ya sa NCRPO, CIDG at iba pang operating unit ng PNP. Totoo ba na may isang police general na gumigitna para kay Manny So tuwing mahuli ang pekeng produkto n’ya? Punyeta! Dapat matuldukan na itong ilegal ni Manny So para hindi na madamay ang PNP sa kalokohan n’ya, di ba mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Sina Chong at Cheng naman ay mga imported paputok ang parating galing China. Ang modus naman ng dalawa, ay pinaparating ang produkto nila sa Mindanao ay inilikas na lang sa Metro Manila kasabwat ang mga tiwaling Customs at PNP officials. Ano ba ‘yan? Para makaiwas din sa tamang tax, ang mga kahon ng imported paputok nina Chong at Cheng ay Tagalog ang mga nakasulat sa mga karton. Subalit mahalata mo naman na bahagi ito sa panloloko nina Chong at Cheng para mababa ang tax nila dahil baluktot ang Tagalog na nakasulat sa mga karton. At kapag binuksan mo na ang mga karton, tatambad sa ‘yo ang mga kahon na Chinese characters ang nakasulat doon. Get’s n’yo mga kosa?

At dahil sa mura ang tinda nila dahil mababa ang tax nila, mabilis pa sa alas kuwatro kung maubos ang tindang imported paputok nina Chong at Cheng. At sino ang mangangahas manghuli nitong imported paputok kung mismong mga bataan ni Nana ang nagbebenta nito sa mga bangketa? Di ba PO3 Maniquiz Sir?

Ang mga imported paputok galing sa China ang itinuturo ng mga gawaan ng lokal na paputok sa Bulacan na dahilan kung bakit dahan-dahang namamatay ang negosyo nila. Kailangan pa bang naghihingalo na ang mga negosyanteng Pinoy na lumilinya sa paputok bago kumilos ang mga pulis o gobyerno natin? Di ba dapat mahalin natin ang sariling atin? Dapat sigurong makialam sa mga pekeng produkto ni Manny So at imported paputok nina Chong at Cheng itong si DILG Sec. Mel Senen Sarmiento at nang sa gayon ang mga negosyanteng Pinoy ang makinabang nitong Pasko at hindi ang mga Intsik, di ba mga kosa? Abangan!

 

ACIRC

ANG

CHONG

DAHIL

DAPAT

DIVISORIA

IMPORTED

MANNY SO

MGA

PAPUTOK

PRODUKTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with