Kusinerong Indian, kayang itubog ang kamay sa kumukulong mantika na hindi nasasaktan

MARAMI ang nasa-shock kay Prem Kumar, isang kusinero at may-ari ng mga food stalls sa Karol Bagh, New Delhi, India kapag itinutubog nito ang mga kamay sa kumukulong mantika kapag nagluluto na hindi man lamang nasasaktan.

Si Kumar, 65, ay ma­tagal nang kusinero at halos araw-araw ay maraming niluluto para sa kanyang mga customer. Masarap magluto si Kumar kaya laging maraming kumakain sa kanyang stall.

Pero bukod sa masarap magluto, isang dahilan kung bakit maraming kumakain doon ay para makita ang kamangha-mangha at kagila-gilalas niyang pagtubog ng kamay sa kumukulong mantika na hindi man lang nalalapnos o kaya ay nasasaktan.

Ipinakita ni Kumar kung paano siya magprito ng isda. Kung ang ibang kusinero ay inilalagay ang isda sa siyansi at saka itutubog sa kumukulong mantika, si Kumar ay simpleng dadamputin ang isda at saka itutubog sa mantika kasama ang kanyang kamay. Kamay din ang pinangbabaliktad niya sa isda kapag naluto ang kabilang side. At wala man lamang sugat o lapnos ang kanyang mga daliri.

Ang mga kumakain ay napapa-oooh at aaaaw habang itinutubog ni Kumar ang kamay sa mantika. Hindi halos humihinga ang mga nanonood. Nakakabenta si Kumar ng 150 kilos ng pritong isda araw-araw. Bukod sa pritong isda, ang iba pang north-Indian delicacies niya ay seekh kabab, mutton tikka, paneer tikka, at tandoori aloo.

Sabi ni Kumar, hindi raw lahat nang pagkakataon ay kamay ang ginagamit niya sa pagpiprito. Gumagamit din siya ng tong. Kapag daw hiniling ng customer na kamay ang gamitin niya sa pagprito, saka lamang niya iyon ginagawa. Mayroon daw kasing nagre-request na itubog ang kamay niya.

Sabi ni Kumar, namana niya ang special skill sa kanyang ama. Ang kanyang ama raw ay isa ring kusinero noong 1960. Mahusay din daw magprito ang kanyang ama gamit ang kamay. At ni paso o sugat ay walang nangyayari sa kanyang ama.

Wala raw magic na involved sa pagtubog ng kamay sa mantika. Nasa pagsasanay din daw iyon. Una raw muna ay isang daliri ang tinutubog hanggang maging dalawa at lahat na ng daliri.

Babae, naaamoy kung ang isang tao ay may Parkinson’s disease

KAKAIBA ang kakayahang umamoy ni Joy Milne, 65 ng Perth. Kaya niyang amuyin kung ang isang tao ay may Parkinson’s disease.

Unang nalaman ni Joy ang kakaibang kakayahan nang maamoy niya ang kanyang asawang si Les, isang anesthe-siologist. Kakaiba ang naamoy niya sa asawa. Nagduda siya noon. Anim na taon ang nakalipas, na-diagnose na may Parkinson’s si Les.  

“His smell changed and it seemed difficult to describe,” sabi ni Joy.

Hanggang sa makipagmeeting siya sa charity Parkinson’s UK, kung saan nalaman niya na kapareho rin ang amoy ng kanyang asawa sa iba pang may Parkinsons.

Show comments