MAY limang madre na pansamantalang nilisan ang kanilang kumbento sa California at nagbiyahe sa New York City para mamasyal. Nagsimba muna sila sa St. Patrick Cathedral. Tapos saka nila nilibot ang lugar upang pasyalan ang magagandang tourist spot. Sa kalalakad ay nakadama sila ng pagkauhaw. Noon kasi ay summer. Isama pa dito ang kanilang suot na abito na mahaba na, ay makapal pa.
Nadaanan nila ang Patty McGuire’s Pub at doon bumili ng inuming pampalamig. Sikat ang pub na nabanggit dahil sa kakaiba nitong barstool. Sa halip na conventional na bakal ang gawing paa, korteng legs ng babae ang ginamit na paa ng upuan. At dito naupo ang limang madre.
Habang umiinom ang mga madre na nakaupo sa barstool, dumating naman ang ilang kalalakihan para din umorder ng inuming pampalamig. Pagpasok pa lang sa pub ay nabigla sila sa bumungad na senaryo – mga madreng naka-expose ang legs! Parang sila ang naeskandalo sa kanilang nakita. Masdan ang litrato. Ganito ang naging ilusyon ng mga lalaki sa nakaupong mga madre. Samantala, walang kamalay-malay ang mga madreng masayang nagkukuwentuhan kung ano ang ilusyong nilikha ng kanilang inuupuang barstool.