“IBIG mong sabihin, binosohan mo ako, Ram?” Tanong ni Sam.
“Parang ganun na nga Sam. Kasi’y sino naman ang hindi matutuksong bosohan ka e ang ganda-ganda ng katawan mo. Kahit sinong lalaki, ay mababaliw sa’yo.’’
“Ilang beses mo akong binosohan?’’
“Hindi ko mabilang.”
“Ibig mong sabihin itinataon mo na naliligo ako kapag nagpupunta ka rito?’’
“Oo. Maaga akong umaalis sa Maynila. Nung una, naligaw lang ako ng daan dito. Nasiraan kasi ang kotse ko malapit dito sa sapa at naghanap ako ng gagawa. Hanggang sa mapadaan ako rito at nakita kitang naliligo. Iyon ang simula.’’
“Nung iligtas mo ako sa makamandag na ahas, binobosohan mo rin ako?’’
‘‘Oo. Nakita ko na isang kobra ang tutuklaw sa’yo kaya mabilis akong kumilos para mailigtas ka.’’
Napangiti si Sam.
“Maraming beses mo na akong niligtas Ram. Una ay sa ahas, at nitong huli ay mas masahol pa sa ahas.’’
“Si Levi?’’
“Oo. Higit pa siya sa ahas. Salamat at nawala na siya sa buhay natin.’’
“Oo nga. Akala ko, mawawala ka na sa akin, Sam dahil sa kagagawan ng ahas na iyon. Mabuti na lang at nagbago ang tadhana. Tayo pa rin pala.’’
“Oo nga, Ram. Akala ko rin sa ahas ako mahuhulog.’’
Niyakap ni Ram si Sam. Mahigpit at saka hinalikan.
Pagkatapos ay niyaya niyang maligo sa sapa si Sam.
“Maligo tayo, Sam. Maalinsangan. Masarap ang tubig.’’
“Baka may makakita sa atin, Ram.’’
“Wala. Tayong dalawa lang ang narito.’’
(Itutuloy)