^

Punto Mo

EDITORYAL – Hulihin ang iba pang fugitives

Pang-masa

NASA Palawan jail na ang ang magkapatid na Joel at Mario Reyes, mga suspected masterminds  sa pagpatay sa environmentalist-broadcaster Gerry Ortega. Dumating kahapon ng madaling araw mula Bangkok, Thailand ang mga akusado,. Tatlong taong nagtago sina Reyes sa isang island resort sa Thailand. Si Joel Reyes, 63, ay dating go-vernor ng Palawan samantalang si Mario Reyes, 54, ay mayor ng Coron, Palawan. Nahuli ang dalawa noong Lunes dahil sa isang tip mula sa Interpol na nalathala sa Bangkok Post. Agad nagtungo ang mga pulis sa Rawai Phuket Muang District at nahuli ang dalawa sa inuupahang apartment. Inamin ng dalawa na umalis sila ng Pilipinas noong 2012 at nagtungo sa Thailand makaraan iisyu ang warrant of arrest laban sa kanila.

Nang pumutok ang balita na nahuli na ang Reyes brothers, nakahinga nang maluwag ang pamilya ni Gerry Ortega. Gusto raw nilang makita na nakaposas ang Reyes brothers sa pagdating ng mga ito sa bansa sapagkat nangangamba sila makatakas ang mga ito.

Pinaslang si Ortega habang nasa isang tindahan ng ukay-ukay sa Puerto Princesa City noong 2011. Binaril siya habang nakatalikod. May mga inarestong suspek pero habang nasa kulungan, isa-isang pinatay ang mga ito. Siniguro na hindi “maikakanta” ang mastermind. Mula nang mapatay ang environmenta-list, hindi na tumigil ang kanyang pamilya sa paghingi ng katarungan at panawagang arestuhin ang mga suspect. Sabi pa ng biyuda ni Ortega, kung talagang nais na arestuhin ang mga suspect madali namang magagawa ito ng mga awtoridad.

May mga fugitive na hanggang ngayon ay napag­lalalangan ang awtoridad. Una nang nahuli si Army general Jovito Palparan dahil sa pagdukot sa dalawang UP students at ngayon nga ay ang Reyes brothers. Inaasahang mahuhuli na rin si dating Dinagat Rep. Ruben Ecleo na wanted dahil sa pagpatay sa asawang si Alona Bacolod-Ecleo.

Hanapin ang iba pang nagtatago sa batas at pag­bayarin sa kanilang kasalanan. Nauuhaw na sa hustisya ang mga pamilya ng biktima. Kung nahuli sina Palparan at Reyes Brothers, magagawa ring hulihin ang iba pa.

ACIRC

ALONA BACOLOD-ECLEO

ANG

BANGKOK POST

DINAGAT REP

GERRY ORTEGA

JOVITO PALPARAN

MARIO REYES

MGA

PALAWAN

REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with