^

Punto Mo

Tulisan!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

IKINUKUWENTO ni Chief Supt. Victor Deona na ni sa pa­na­ginip ay hindi niya pinangarap na ma-assign sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame. Kasi nga, ayon kay Deona, ang tingin niya noon sa mga miyembro ng CIDG ay mga “tulisan.” Nagkukuwento ng ganito si Deona tuwing conference niya at sa tingin ng mga kosa ko, ipinahihiwatig niya na hindi niya kukunsintihin ang mga “tulisan” sa CIDG. Kayo na ang maghusga mga kosa kung ano ang ibig sabihin ni Deona sa salitang “tulisan” na patungkol sa taga-CIDG. Kung sabagay, hindi na maikaila na noon pa man ay sangkot na ang ilang tiwaling CIDG personnel sa mga kasong extortion, at kung anu-ano pa. Isama na ang tong collection activities ng halos lahat ng unit nila. Kaya hindi makahuli ng mga criminal ang CIDG, ang operating unit ng PNP, ay dahil abala sila sa pasugalan, beerhouse, putahan at iba pang pagkakitaan, di ba mga kosa?

Subalit ng maupo si Dir. Benjie Magalong sa CIDG, ipinagbawal niya ang pag-raid ng mga tauhan niya sa mga pasugalan, putahan at beerhouse at nag-concentrate na lang sila sa criminality kaya maraming wanted persons ang nakulimbat nila, di ba mga kosa? Hehehe! Kamuntik na nga maging hepe ng PNP si Magalong dahil sa accomplishments ng CIDG. Kaya lang, nalusaw ang tsansa niya dahil sa findings ng tropa niya sa Mamasapano massacre ng 44 SAF troopers, di ba mga kosa? Kaya imbes na sa Chief Directorial Staff o CDS ng PNP sa DIDM bumagsak si Magalong. Tumpak!

Subalit, kahit na ipinamalita ni Deona na “tulisan” ang tingin niya sa CIDG, may ilan pa ding mga miyembro nito ang hindi ma-get’s ang ibig sabihin niya at nagbakasakali na makalusot. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang limang opisyal at 12 PNCOs ng CIDG na nakahuli ng umaabot sa 30 katao nang magsagawa sila ng raid sa isang e-games parlor kamakailan. Sa mga nahuli nila, 15 katao ang pinakawalan ng mga “tulisan” kapalit ang P3 milyon at ang natira pang huli ay isusunod pa sana kaya lang, natunugan ni Deona at hayun…..goodbye na sa CIDG ang 17 personnel mula sa Anti-Fraud at Major Crimes unit. Boom Panes!

Hehehe! Sana tuloy-tuloy na ang paglilinis ni Deona ng mga “tulisan” sa CIDG, di ba mga kosa? Tumpak!

Dapat isama na rin ni Deona sa paglilinis ng CIDG ang mga “tulisan” na gumagamit ng opisina niya sa pag-kolekta ng weekly tong sa mga pasugalan, putahan at beerhouse sa Metro Manila, di ba SPO3 Roberto “Obet” Chua Sir?

Kung mabilis umaksiyon si Deona laban sa mga “tulisan” sa Anti-Fraud at Major Crimes unit, dapat ganun din siya kabilis humabol sa mga tong collectors ng CIDG, tulad ni Obet Chua ng CIDG field office sa Manila, di ba mga kosa? Dito sa tong collection ay masusubukan ang tikas ng dibdib ni Deona, na miyembro ng PMA Class ’82 at classmate ni PNP chief Dir. Gen. Ric Marquez. Magkaklase rin itong sina Deona at Magalong, subalit kung ang mga pananalita ng una tuwing command conference ang gagawing basehan, parang hindi maganda ang relasyon nila. Hehehe! Baka may namamagitan na professional jealousy ang dalawang magkaklase, di ba mga kosa? Hehehe! Tiyak ‘yon!

Teka nga pala, bakit palaging nakikita si Lito Guerra, alyas Bombay, sa opisina ni Deona? Hehehe! ‘Yan ang tanong ng mga kosa ko sa Camp Crame. Si Bombay ay dating tong collector ni Marquez sa Region 1 at mukhang nanginginig na ang mga kamay niya na bumalik sa dating gawi, di ba mga kosa? Puwede!

Sana magtagumpay si Gen. Deona na malinis ang CIDG ng mga “tulisan”, kabilang na rito ang mga tong collector para makumbinsi ang sambayanan na seryoso talaga s’ya. Maaga pa para palakpakan natin si Deona, di ba mga kosa? Abangan!

ACIRC

ANG

CAMP CRAME

CIDG

DEONA

HEHEHE

KAYA

KOSA

MGA

NIYA

TULISAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with