MADALAS nating marinig ang reklamo ng back pain mula sa ating mga kapamilya, katrabaho, at mga kaibigan. Ang sarap tuloy magpamasahe sa likod!
Pero ang unang dapat nating isipin kapag sumasakit ang likod ay ang ating posture. Tama ba ang ating posture? Baka naman lagi ta-yong nakahukot? Ang hindi tamang posture ang pangunahing sanhi ng pananakit ng likod.
Ang susi sa maayos na body posture ay ang pagkakaroon ng sapat na kurba sa ating lower back. Hindi tamang diretso lamang ito. Puwedeng magdulot ng problema ang lower back na walang gaanong kurba (“flatback”) o masyado namang sumobra ang kurba (“Swayback”).
Heto ang tips upang magkaroon ng tamang posture ang ating likod:
Panatilihing nakababa at palikod (down and back) ang mga balikat kapag nakaupo. Iurong ang baba. Dapat ay nakapasok paloob ang ating tiyan. Kung nakaupo nang pahiga, mas nahihirapan ang ating mga kalamnan at litid sa likod.
Kung nagkokompyuter, i-adjust ang monitor upang ma-ging kapantay ito ng ating mga mata. Gumamit ng document holder na kapantay ng mata upang hindi gaanong nakayuko.
Iwasang maupo sa isang posisyon lamang ng higit sa isang oras. Magbagu-bago ng posisyon sa pagkakaupo (lalo na kung nagbibiyahe o nasa opisina), o kaya’y tumayo.
Kung ang silya ninyo ay walang gaanong ibinibigay na suporta, maglagay ng maliit na unan o binilot na tuwalya sa dakong lower back.
Kung tatayo mula sa pagkakaupo, panatilihing nasa neutral position ang likod. Gamitin ang mga masel sa paa, huwag ilagay ang puwersa sa balakang.
Dapat ay nasa isang linya lamang ang ating mga tenga, balikat, balakang, at tuhod. Isipin n’yo na kunwari ay may imaginary line pababa sa mga parteng nabanggit ko.
Ilapit ang inyong upuan sa may manibela upang hindi kayo hirap abutin ang pedal at ang mismong manibela. Puwede ring maglagay ng maliit na unan o binilot na tuwalya sa iyong lower back. Kung mahaba ang biyahe, panaka-nakang huminto upang mag-unat-unat o maglakad-lakad. (Itutuloy)