^

Punto Mo

Emergency powers sa traffic at transportation

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PANAHON na upang maresolba ang problema sa trapiko at transportasyon sa bansa partikular sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Dahil sa mahabang proseso sa mga bidding sa mga proyekto ay naantala ang mga proyekto kabilang ang mga lulutas sa problema sa trapiko at problema sa trasportasyon.

Isa sa mahabang proseso ng bidding ang idinadahilan sa pagkaantala ng pagbili ng mga bagon sa MRT.

Maituturing na nasa emergency situation ang kakapusan ng mga bagon sa MRT bagamat dumating na ang prototype na inaasahang aakma sa mga riles ngayon upang madagdagan ang mga bagong na bumibiyahe sa MRT.

Sa LRT ay dapat din dagdagan na ang mga bagon, Huwag nang hintayin na titirik pa ang mga ito at kulangin na naman para sa commuters.

Hindi uubra ang galing ng PNP-Highway Patrol Group sa EDSA dahil kahit anong gawin ng mga ito ay mahihirapang mapaluwag ang trapiko roon.

Sobrang dami na kasi ang mga sasakyan lalo na sa Metro Manila pero hindi naman lumalapad o nadadagan ang mga kalsada.

Marami ring mga maliliit na kalsada na puwede sanang alternatibong ruta ang nababarahan at hindi nagagamit ng mga motorista.

Kung mabibigyan ng emergency powers si P-Noy, mas mabilis na mareresolba nito ang problema sa trapiko at transportasyon.

Hindi naman kailangan  mawala ang problema sa trapiko kundi maibsan lang ng kaunti.

vuukle comment

ANG

DAHIL

HIGHWAY PATROL GROUP

HUWAG

ISA

MAITUTURING

MARAMI

METRO MANILA

MGA

P-NOY

SOBRANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with